15-anyos estudyante dinedo sa gulpi
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na 4th year high school matapos itong pagtulungang gulpihin ng apat na estudyante sa compound ng eskuwelahan sa Brgy. San Juan, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Bulacan Medical Center dahil sa internal hemmorage ang biktimang si Mark Enrick De Guzman ng Brgy. Malis sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.

Nasakote naman ang tatlong suspek kabilang si David Garcia, 18, ng Brgy. San Juan habang pinalaya naman ang dalawang suspek na menor-de-edad sa hindi nabatid na dahilan.

Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si Noel De Guzman, 18, ng Gon­salvo Subd. sa Brgy. Panginay sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Isagani Enriquez, nanonood ng programa sa Escuelahan de San Juan Montessori School ang biktima kasama ang kaibigang mag-aaral nang lapitan ito ng mga suspek saka kinompronta sa hindi nabatid na dahilan.

Dito na pinagtulungang gulpihin ng mga suspek ang biktima habang tumakas naman ang kasama nitong estudyante.

Mabilis namang isinugod ng kanyang pamilya sa nasabing ospital ang biktima subalit namatay din.

 

ANG BRGY BULACAN BULACAN MEDICAL CENTER CHIEF INSP DAVID GARCIA ISAGANI ENRIQUEZ MARK ENRICK DE GUZMAN NOEL DE GUZMAN SAN JUAN SAN JUAN MONTESSORI SCHOOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with