Mag-asawa, apo pisak sa killer truck

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang mag-asawa at apo nitong tatlong buwan gulang makaraang salpukin ng dump truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Buenavista,  bayan ng Viga, Catanduanes kamakalawa ng hapon. Kinilala ang tatlong namatay  na mag-asawa na sina Ricardo Omayan,  Edna Omayan at ang apo na si Dave De Jesus habang ang ina ni Dave na si Minda De Jesus ay isinasalba ang buhay sa Eastern Bicol Medical Center. Samantala, nakakulong naman ang driver ng  dump truck na si Salvador Hicao. Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na magkakaangkas ang mga biktima sa motorsiklo nang salpukin ng truck bandang alas-5:30 ng hapon.

 

Show comments