^

Koreano tiklo sa P75K halaga ng shabu

(Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2016 - 2:34am

MANILA, Philippines – Himas-rehas ngayon ang isang South Korean matapos mahulihan ng shabu sa loob ng isang hotel sa General Santos City.

Kinilala ang suspek na si Hyun Seong Hong na sinugod ng mga awtoridad sa inuupang hotel room at nakumpiskahan ng P75,000 halaga ng shabu.

Nabawi rin sa suspek ang iba’t ibang drug paraphernalia.

Ayon sa mga awtoridad, isang United States of America citizen ang Koreano, may asawang Pinay at nagmamay-ari ng restaurant sa lungsod.

Nasakote si Hong dahil sa mga tip ng mga impormante.

Nakakulong ngayon si Hong sa PDEA detention facility at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Philippine Dangerous Drugs Act.

 

 

AYON DRUGS ACT GENERAL SANTOS CITY HIMAS HYUN SEONG HONG KINILALA KOREANO NABAWI NAKAKULONG SOUTH KOREAN UNITED STATES OF AMERICA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with