_ngayon
^

Ninang kinatay ng inaanak

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 65-anyos na ninang matapos itong paulit-ulit na saksakin ng kanyang inaanak na maburyon sa paulit-ulit nitong pagpapaalala sa masamang dulot ng pagyoyosi sa naganap na karahasan sa Old Forestry Compound, Engineers’ Hill, Baguio City kamakalawa. Umabot sa 30 saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Lola Ana Benecia Reyes habang nadakip naman ang suspek na si Jeffry Notarte, 30. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. George Daskeo, hepe ng Baguio City PNP, lumalabas sa imbestigasyon na pinasok at pinatay ng suspek ang biktima sa loob ng bahay dahil sa paniniwala niyang nilait siya ng matanda sa pagiging sugapa sa paninigarilyo.Idineklarang patay sa  Baguio General Hospital and Medical Center ang biktima matapos itong maisugod ng kanyang mga kapitbahay.

ANG BAGUIO BAGUIO CITY BAGUIO GENERAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER GEORGE DASKEO IDINEKLARANG JEFFRY NOTARTE LOLA ANA BENECIA REYES OLD FORESTRY COMPOUND SENIOR SUPT UMABOT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with