_ngayon
^

Pusher todas sa shootout, 8 tiklo

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga ele­mento ng militar at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mapaslang ang isang notoryus na drug pusher na nagresulta  rin sa pagkakasamsam ng matataas na kalibre ng mga armas at shabu sa drug bust operation sa Brgy. Calangcanas, Maluso, Basilan kahapon.

Kinilala ang nasawing suspek na si Abubakar Mohammad alyas Abubakar Adali habang arestado naman ang walo pa nitong kasamahan.

Ayon kay Major Felimon Tan, Spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, bandang alas-5:45 ng umaga nang isagawa ang raid ng pinagsanib na operatiba ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11, 4th Special Forces Battalion ng Phil. Army at PDEA ang drug bust operation sa lugar.

Gayunman, pumalag si Mohammad na agad nakipagbarilan sa arresting team na nauwi sa barilan habang nakorner ang walo pa nitong mga kasamahan.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang M 16 rifles, isang M2013 grenade launcher, isang caliber .22 pistol, isang rifle grenade, sari-saring rounds ng mga bala, mga magazine, cash, ilang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

ABUBAKAR ADALI ABUBAKAR MOHAMMAD ACIRC ANG AYON BASILAN DRUG ENFORCEMENT AGENCY MAJOR FELIMON TAN MARINE BATTALION LANDING TEAM SPECIAL FORCES BATTALION WESTERN MINDANAO COMMAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with