Ika-8 presong pumuga, tiklo
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nadakip na ang ika-walong pugante na pumuga noong Nobyembre 2015 sa Silang Municipal Jail sa Cavite matapos itong matunton ng pulisya ang pinagtataguan nito sa Barangay  Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan kahapon ng tanghali. Ayon kay P/Senior Insp. Jefferson Gannaban,  dakong alas-12 ng tanghali nang masakote ang 33-anyos na si Christopher Tuliao sa bahay ng kamag-anak nito sa Gonzaga Extension. Nahaharap sa mga kasong carnapping, panghahalay at droga si Tuliao nang pumuga kasama ng pitong iba pa noong madaling araw ng Nob. 25.Kasamang pumuga ni Tuliao ang mga naunang nadakip na sina Marvin Sulit, Reggie Balubal, Ferdinand Sagun, Ronald Gealogo, Mark Leonard Hallego, Jomarie Monforte, at si Jimmy Yan.Isang opisyal at apat nitong tauhan ng Silang PNP ang sinibak sa posisyon dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

CHRISTOPHER TULIAO FERDINAND SAGUN GONZAGA EXTENSION JEFFERSON GANNABAN JIMMY YAN JOMARIE MONFORTE MARK LEONARD HALLEGO MARVIN SULIT REGGIE BALUBAL RONALD GEALOGO SENIOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with