Tiyuhin nanaga bago nagbigti
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2016 - 9:00am

BAYOMBONG, Nueva Vuzcaya, Philippines – Palaisipan pa rin sa pulisya kung ano ang naging motibo ng 33-anyos na lalaki na tumaga sa kanyang pamangkin bago ito nagpakamatay sa Barangay Comon, bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya kamaka­lawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Antonio Macabadbad, hepe ng Aritao PNP ang nag-suicide na si Greggy Gavina ng nasabing lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi kamakalawa nang tagain ni Gavina ang kanyang 8-anyos na pamangkin na si Gerwin na tinamaan sa ulo at kamay. Kahit sugatan ay nagawa ng bata na makalayo at humingi ng tulong. Agad na rumesponde ang pulisya subalit natagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin at laslas ang pulso. Nabatid na nasa pangangalaga ni Greggy ang kanyang pamangkin habang ang mga magulang nito ay nasa ibang bansa.

ACIRC ANG ANTONIO MACABADBAD ARITAO BARANGAY COMON GAVINA GERWIN GREGGY GREGGY GAVINA NUEVA VIZCAYA SENIOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with