2 bulagta sa pamamaril

Kinilala ni Isabela PNP Director P/Senior Supt. Leon Rafael ang mga napatay na sina Wilfredo Bantigue, 48, ng Quezon; at John Jhon Laggui, 25, ng Cabagan.? Base sa police report, pauwi na si Bantigue mula sa sabungan nang harangin at ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa mataong lugar sa Barangay Barucboc sa bayan ng Quezon. Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang pinabulagta sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Isabela PNP Director P/Senior Supt. Leon Rafael ang mga napatay na sina Wilfredo Bantigue, 48, ng Quezon; at John Jhon Laggui, 25, ng Cabagan.? Base sa police report, pauwi na si Bantigue mula sa sabungan nang harangin at ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa mataong lugar sa Barangay Barucboc sa bayan ng Quezon.

Naisugod naman sa Quezon Community Hospital subalit idineklarang patay habang narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol na bala.

Samantala, napatay habang nagmomotorsiklo ang biktimang si John John Laggui matapos itong pagbabarilin ng magkapatid na sina Jomel Talaue at Melito Talaue sa Barangay San Rafael Abajo sa bayan ng Sto. Tomas, Isabela.

Alitan sa pamilya ang isa sa sinisilip na anggulo ng mga imbestigador sa nasabing kaso.

 

Show comments