Naghahanda ng pang-media noche, pinagbabaril

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Hindi na nasalubong ng isang 48-anyos na magsasaka ang pagdating ng 2016 matapos ratratin habang naghahanda ng kanilang media noche sa Barangay San Ignacio, Ilagan City, Isabela noong bisperas ng Bagong Taon. ?

Sa ulat ni Supt. Manuel Bringas, hepe ng PNP Ilagan City, dakong alas-7:30 ng gabi ay nasa kusina ng kanilang bahay si Andres Mamauag nang paputukan ng mga suspek na nakakubli sa dilim.

Inakala ng mga kaanak na mga rebentador lamang ang nagsiputukan sa paligid, subalit laking gulat ng mga ito nang makita ang biktimang duguang nakabulagta at naghihingalo sa kusina.

Isinugod si Mamauag sa Isabela Doctor’s Hospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

 

Show comments