Van vs kotse: Misis dedo, mag-ama grabe

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang 52 anyos na misis habang kritikal naman ang kanyang mag-ama matapos salpukin ng van sa kahabaan ng highway sa Barangay Nungnungan Dos, Cauayan City, Isabela kahapon ng madaling araw.

?Sa police report na nakarating kay P/Supt. Engelbert Soriano, hepe ng Cauayan City PNP, kinilala ang misis na si Sheryl Magaoay habang nakikipagbuno naman kay kamatayan ang mister nitong si Ferdinand Magaoay, 52; at anak na si Ellen Joy.?

Samantala, naaresto naman ang sugatang suspek na si Daniel Reyes, 45, ng Camalaniuagan, Cagayan.

?Sa inisyal na ulat ng pulisya, itinakas ng suspek ang Starex van (BBX 920) mula sa tinutuluyang hotel ng kanyang pamilya dakong alauna ng madaling araw bago salpukin ang Mitsubishi Galant (WCA 595) ng mga biktima.?

Sa lakas ng pagkakabangga ay naipit ang misis na nakaupo sa tabi ng mister na nagmamaneho.?

Ayon sa pulisya, sinasa­bing naburyong ang suspek dahil sa bawal na droga may dalawang taon na ang nakalipas.

Show comments