Negosyante dinedo sa bilyaran

CAMARINES NORTE, Philippines –  Napatay ang 42-anyos na negosyante makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang matansero habang naglalaro sa bilyaran sa Purok 3, Barangay Pinya sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Donato “Atong” Briza ng Purok 3 sa Brgy. Bulhao habang naaresto naman ang mga suspek na sina Sandy Arevalo, 28, ng Purok 1 sa Brgy. Gumamela; at Christopher Ramo, 35, ng Manlapaz Subdivision sa nasabing bayan. Base sa ulat, nagkapikunan ang mga suspek at biktima sa paglalaro ng bilyar na nauwi sa matinding pagtatalo. Gayon pa man, napikon ang mga suspek sa tinuran ng biktima kaya naganap ang krimen. Narekober sa crime scene ang dalawang patalim na ginamit ng dalawa sa pananaksak.

Show comments