Mag-utol tiklo sa drug bust

QUEZON, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na pwersa ng lokal na pulisya at PDEA ang lider ng drug syndicate at kanyang nakababatang kapatid sa inilatag na drug bust operation sa Zone IV, Barangay Poblacion sa bayan ng Atimonan, Quezon kamakalawa ng umaga. Nakatakdang kasuhan ang mag-utol na suspek na sina Allan “Baka” Epino, 35, lider ng Epino Group at pang-apat sa talaan ng drug watchlist ng PNP; at Wilson “Tiso” Epino, 31. Ayon sa pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang masakote si Baka na nagbebenta ng .50 gramo ng shabu sa drug informant. Isinilbi na rin ng mga awtoridad ang search warrant na inisyu ni Judge  Arnel Caparros ng Atimonan Municipal Trial Court kung saan ay naaresto ang kapatid nito at nasamsam ang mga drug paraphernalia.

Show comments