Bata dedo, 37 sugatan sa karambola

MANILA, Philippines – Patay ang 8-anyos na totoy habang 37 naman ang nasugatan makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng highway sa Purok Rubia, Barangay Buenavista sa Pagadian City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng umaga. Kinilala ang namatay na si Clark  Cabaluna habang ginagamot naman ang 37 nasugatan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nawalan ng preno ang pampasaherong jeepney (JVJ 474) ni Joel Maglinte kung saan sinalpok nito ang Mitsubishi Fuso drop side ni Marvin Cabungog, dump truck (AAR 1971) ni Ben Brian Tagbo at ang  isang sasakyan ni Pilar Cabaluna na kaangkas ang batang namatay. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang bata palabas ng sasakyan kung saan nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.

Show comments