Nene pinatay habang naglalaro

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Natagpuan ng pulisya ang gutay na katawan ng 7-anyos na nene na pinaniniwalaang pinagpapalo hanggang mamatay sa kagubatan ng Sitio Rebba sa Barangay Pagsanaan Norte, bayan ng Magsingal, Ilocos Sur kamakalawa. Base sa police report, huling nakitang buhay ang biktimang si Maica Gutierrez na naglalaro sa labas ng kanilang bahay noong Miyerkules. Matinding palo sa ulo at katawan ang mga nakitang bakas sa murang katawan ng biktima nang matagpuan ito sa may 50-metrong layo mula sa kanilang bahay matapos matunton dahil sa masansang na amoy. Isang duguang kahoy ang narekober ng pulisya malapit sa bangkay ng biktima habang patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang naganap na krimen.

Show comments