2 utas sa ambush
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang isang drug personality ang pinabulagta matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Ugad, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa. ?Kinilala ang mga napatay na sina Joseph “Alex” Datul, 40, ika-10 sa order of battle ng PNP; at Felino Dalupan ng Barangay Minanga Sur sa bayan ng San Pablo.? Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Nelson Vallejo, hepe ng PNP Cabagan,  sinusundan ng tandem ang mga biktimang sakay ng jeep saka niratrat pagsapit sa Cabagan Gymnasium. Sumalpok sa punungkahoy ang owner-type jeep ng mga biktima matapos tamaan ng bala. ?Narekober ang cal. 45 pistol na nakasukbit sa bewang ni Datul.?

ACIRC ALEX BARANGAY MINANGA SUR BARANGAY UGAD CABAGAN CABAGAN GYMNASIUM CHIEF INSP DATUL FELINO DALUPAN NELSON VALLEJO SAN PABLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with