12 tiklo sa drug den

PAMPANGA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 12-katao na sinasabing gumagamit ng bawal na droga makaraang salakayin ng mga operatiba ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA-3) ang dalawang drug den sa19th Street, Barangay Lakandula sa Mabalacat City, Pampanga, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Gladys F. Rosales, PDEA regional director, kinilala ang mga suspek na sina Joseph Tanglao, 30; Carlo Dela Cruz, 20; Enrico Uavel, 41; Freddie Ariza, 42; Lester Pontilo, 33; Armalyn  Santos, 27; Heidi Lacardin, 41; Benjie Sarona, 44; Winnie Narbota, 41; Lorenzo Narbota, 40; Jay  Tanglao, 22; at si Ericson Tanglao, 19. Nakatakas naman ang pangunahing target ng PDEA na si Betchay Musngi na sinasabing notoryus na drug peddler sa nabanggit na lungsod. Nasamsam sa mga suspek ang 106 gramo ng shabu na may street value na P374.000.

 

Show comments