Trader dedo sa tandem

Pinabulagta ang 53-anyos na trader at tumatayong pangulo ng Plang Village matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Aringay Road, Barangay Poblacion. Philstar.com/File

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang 53-anyos na trader at tumatayong pangulo ng Plang Village matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Aringay Road, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Taya Jun Talusan Moreno, may asawa, at residente sa Plang Village II sa nasabing barangay. Ayon sa ulat, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo  nang ratratin ng tandem pagsapit sa bisinidad ng gate ng USM Annex sa nasabing barangay. Naisugod naman sa Kabacan Medical Specialist ang biktima pero namatay din ito. Narekober sa crime scene ang mga bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon. Base sa police report, pinasabugan din ng granada ang bahay ng biktima noong Enero12, 2015.

Show comments