Trader dedo sa tandem

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 44-anyos na Indian trader matapos itong ay pagbabarilin ng riding-in-tandem gunman sa gate ng kanyang bahay sa Catmon Street sa Barangay Bibingcahan, Sorsogon City, Sorsogon, kamaka­lawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Fernando Duran Memorial District Hospital ang biktimang si Inderjit Singh, may asawa, at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktima mula sa paniningil ng pautang sa iba’t ibang bayan nang makasalubong si kamatayan. Nabatid na papasok na sana sa gate ng kanyang bahay ang biktima nang lapitan at ratratin ng gunman bago tumakas sakay ng motorsiklo.

Show comments