Suspek sa Malolos judge slay case, patay

MANILA, Philippines - Patay ngayong Lunes ang suspek sa pananambang sa isang hukom ng Malolos regional trial court.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ang suspek na si Arnel Jonaras matapos mang-agaw ng baril.

Patungo sa isang inquest si Jonaras para sa ibang kaso nang agawin niya ang baril ng isa sa mga police escort.

Si Jonaras ang suspek sa pagpatay kay Judge Wilfredo Nieves na itinumba sa Ticay, Malolos City.

Nauna nang kinondena ng Korte Suprema ang pagpatay sa isa nilang kasamahan.

 

Show comments