Estudyante dedo sa sunog

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang 15-anyos na estudyante na na-suffocate at magtamo ng 4th degree burn makaraang masunog na kanilang bahay sa Barangay Crisanto Sanchez, San Jose City, Nueva Ecija noong Lunes ng umaga. Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng biktimang si Brent Howard Sunico kung saan ito natulog. Nabatid na nadamay din sa sunog ang unang palapag ng bahay kung saan ginawang Internet shop na may 10 units ng computer. Aabot naman sa P2-milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

 

Show comments