Rapist nilikida ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Hinatulan ng kamatayan ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang mister na sinasabing humalay sa sariling anak na babae matapos itong ratratin sa Purok 7, Barangay Tabod sa bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng umaga. Hinatulan ng firing squad ng mga rebelde sa harap ng mga residente  ang suspek na si Ronnie Aptoco. Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinuha ng mga rebelde ang suspek sa kanyang bahay saka dinala sa barangay plaza kung saan iniharap sa taumbayan bago niratrat. Napag-alamang natakot ang biktima na ipagbigay-alam sa pulisya ang kanyang karanasan sa kamay ng sariling ama. Subalit umabot naman ang ulat sa grupo ng NPA rebs kaya hinatulan ng kamatayan ang suspek.

Show comments