Trike vs motor: Ginang utas, 5 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 61 anyos na ginang ang sinalubong ng kamatayan habang nasugatan ang limang iba pang pasahero matapos salpukin ng rumaragasang motorsiklo ang kanilang nakaparadang tricycle sa Barangay Nemmatan, San Agustin, Isabela kamakalawa.

Sa report na nakara­ting kay Sr. Insp. William Agpalsa, hepe ng PNP San Agustin, kasalukuyang bumababa sa tricycle ang biktimang si Lolita Lorenzo nang salpukin ito ng motorsiklong minamaneho ni John Pardales 18 na sinasabing lango sa kalasingan. Sa lakas ng pagkasalpok ay nagkalasug-lasog ang biktima at bumaligtad ang tricycle na nagsanhi ng pagkasugat ng mga nakasakay pang pasahero na sina Estelita Nuestro 47, Emma Eloria 38, Noine Dantes 15, Stephanie Nues­tro 13  at  Pardales na isinugod sa Prospero G Bello Intigrated Hospital.

Ang suspek ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries.

 

Show comments