Pulis itinumba sa presinto
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2015 - 9:00am

BATANGAS, Philippines – Napatay ang 36-anyos na pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa harapan ng presinto sa Batangas City, Batangas noong Sabado ng gabi. Isinugod pa sa Batangas Medical Center si PO3 Jessie Laisa pero idineklarang patay. Si PO3 Laisa ay naka-assign sa PNP Public Assistance Center sa Barangay Alangilan sa nasabing lungsod. Base sa police report, may kinukuha lang na gamit ang biktima sa kanyang sasakyang nakaparada sa harap ng presinto nang lapitan at ratratin ng hindi kilalang lalaki. Naglakad lang papalayo sa crime scene ang gunman saka sumakay sa kotseng nakaparada habang patuloy naman ang imbestigasyon.

BARANGAY ALANGILAN BATANGAS BATANGAS CITY BATANGAS MEDICAL CENTER ISINUGOD JESSIE LAISA LAISA NAGLAKAD NAPATAY PUBLIC ASSISTANCE CENTER SABADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with