Preso pinatay sa gulpi
Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2015 - 9:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 24-anyos na preso matapos itong gulpihin ng kanyang mga kakosa sa Sorsogon Provincial Jail sa Barangay Burabod, Sorsogon City. Namatay habang ginagamot sa Dr. Fernando Duran Memorial hospital ang biktimang si Federico Lacsinto Buban Jr. ng Barangay San Juan sa bayan ng Irosin, Sorsogon. Nadiskubre ang insidente matapos na makatanggap ng text message ang ina ng biktima na naisugod ito sa nasabing ospital. Kaagad namang tinungo ng pamilya ang nasabing ospital subalit hindi na nila inabutang buhay ang biktima. Nanawagan naman sa kinuukulang ahensya ng pamahalaan ang pamilya ng biktima na imbestigahan ang mga opisyal at guwardiya ng nasabing kulungan kaugnay sa naganap na insidente.

 

ANG BARANGAY BURABOD BARANGAY SAN JUAN DR. FERNANDO DURAN MEMORIAL FEDERICO LACSINTO BUBAN JR. IROSIN KAAGAD NADISKUBRE NAMATAY SORSOGON CITY SORSOGON PROVINCIAL JAIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with