Bading inakalang babae, dinedo

Police line

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 25-an­yos na bading na sinasabing tinangkang halayin matapos itong pagtulungang gulpihin ng tatlong senglot na magpipinsan sa Barangay Dist.1, San Mariano, Isabela kamakalawa ng gabi. ?

Kinilala ni P/Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano PNP ang napaslang na si Jayson “Mayla” Gonzales, tubong Caranglan, Nueva Ecija at kawani sa isang beerhouse.

Nasakote naman ang mga suspek na sina Angelito Acio, 27; Domingo Gambing, 21; at si Orlando Gambing, 22.?

Pinaniniwalaang naga­lit ang mga suspek nang madiskubreng lalaki ang biktima matapos makapa ang malaki nitong ari kaya ginulpi ito at binasag ang bungo saka itinapon sa ilog.?

Nadiskubreng palutang-lutang ang bangkay ng biktima kinabukasan habang nakatakdang kasuhan ang mga suspek.

 

Show comments