7 tiklo sa shabu session

BULACAN, Philippines  - Kalaboso ang pito-katao na sinasabing adik sa droga makaraang maaktuhan sa shabu session sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Maricel Mendoza, 34; Rommel Santos, 36; Edwin Cata, 43; Alfie Legaspi, 20; Lhoy Garcia, 35; Dennis De Jesus at isang 16-anyos na lalaki na pawang nakatira sa Sitio Luwasan, at Brgy. San Roque sa bayan ng Pandi. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Manolito “Doro” Santos sa nasabing barangay kung saan naaktuhan ang mga suspek sa shabu session. Samantala, narekober naman ang ilang plastic sachet na shabu at mga drug paraphernalia habang tinutugis naman si Santos.

 

Show comments