^

Probinsiya

Misis ni-rape slay, itinapon sa balon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kamatayan ng isang 27-anyos na ginang na matapos halayin ay pinaslang pa ito bago itinapon sa isang malalim na balon sa Brgy. Granada, Isla de Gigantes, Carles, Iloilo kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Roselyn Panganiban na hubo’t hubad na narekober ang bangkay na nagsisimula nang maagnas.

Ang bangkay ng ginang ay nadiskubre ng isang residente sa lugar bandang alas-9:00 ng umaga matapos itong mapagawi sa balon.

Sa ulat ng Western Visayas Police, ang biktima ay iniulat ng mister nitong si Roberto Panganiban na nawawala mula pa noong Oktubre 11 o anim na araw matapos ang krimen.

Itinuturo ni Roberto, ang tiyuhin ng kaniyang misis na si William Bal-as ang responsable sa krimen dahilan sa madalas umano niya itong mahuling masama ang tingin sa kaniyang misis.

Boluntaryo namang sumuko si Bal-as sa pulisya pero itinanggi na ginahasa at pinaslang niya ang sariling pamangkin.

ANG

BOLUNTARYO

BRGY

ILOILO

ISLA

ITINUTURO

KINILALA

ROBERTO PANGANIBAN

ROSELYN PANGANIBAN

WESTERN VISAYAS POLICE

WILLIAM BAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with