Lalaki nalitson sa sunog!
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2015 - 10:00am

Cavite, Philippines – Isang hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang sunug na sunog na katawan matapos na tupukin ng apoy ang isang bahay sa Brgy Molino 4, Bacoor City kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ni P03 Angelito Roxas, may hawak ng kaso, alas-7:20 ng gabi nang maganap ang sunog sa bahay na pag aari ni Gng. Lina Santiago ng nasabing lugar. Tumagal ng may mahigit sa talong oras ang sunog bago ito tuluyang naapula ng mga rumespondeng pamatay-sunog. Habang nagsasagawa ng clean up operation ang mga bumbero at pulisya, nakita sa may pintuan ng natupok na bahay ang sunog na katawan ng nasabing lalaki. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang makilala ang biktima at mabatid ang sanhi ng sunog.

ANG ANGELITO ROXAS BACOOR CITY BRGY MOLINO GNG HABANG ISANG LINA SANTIAGO NAGSASAGAWA SUNOG TUMAGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with