12 boy scouts, driver sugatan sa road mishap

MANILA, Philippines – Labingdalawang boy scouts at isang driver ang nasugatan makaraang maaksidente ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng Haselma highway sa KM 26, Caliking, bayan ng Atok, Benguet kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ng Cordillera PNP na isinumite sa Camp Crame, naitala ang sakuna bandang alas-11 ng umaga sa bahagi ng nasabing highway.

Ayon sa imbestigasyon, bumabagtas ang Ford Fierra (ACR-712) na minamaneho ni Marson Naibeng nang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya sumadsad sa gilid ng highway.

Mabilis na naisugod sa Atok District Hospital ang mga estud­yante ng Pakpakitan Elementary School at maging ang driver nito.

Show comments