Mister dinedo sa bilyaran

BULACAN, Philippines – Napatay ang 32-anyos na mister matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa loob ng bilyaran sa Barangay Antipona, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon. Naisugod pa sa Saint Paul Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Hieco Dela Cruz ng Barangay Bagumbayan sa nasabing bayan. Ayon kay PO2 Rajiv Catiis, nagbibilyar ang biktima nang lapitan at pagbabarilin sa ulo ng gunmen. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ng pulisya ang isa sa anggulong may kinalaman sa onsehan sa bawal na droga.

Show comments