P190K na halaga ng shabu nasabat sa Nueva Ecija
(Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2015 - 1:31am

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang hinihinalang drug den operator at anim na umano’y parokyano sa isang drug raid sa Nueva Ecija.

Nakilala ang mga suspek na sina Vilma Reyes, 32, ang hinihinalang may ari ng drug den at mga parokyanong sina Antonio Argulla, 39; Johncel Vince Ancheta, 21; Reynaldo Caba, 30; Rene Antonio Jr., 41; Kris Edson Carpio, 36; at Sherwin Mondejar, 29, na pawang mga resident eng Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Sa bisa ng search warrant, nilusob ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang bahay ni Reyes sa Purok 3, Barangay Mapalad bandang alas-10 ng gabi nitong kamakalawa.

Nakuha sa bahay ni Reyes ang 17 pakete ng shabu na may timbang na 55 gramo at iba’t ibang drug paraphernalia.

Tinatayang nasa P192,500 ang halaga ng shabu.

 

ANTONIO ARGULLA BARANGAY MAPALAD DRUG ENFORCEMENT AGENCY JOHNCEL VINCE ANCHETA KRIS EDSON CARPIO NUEVA ECIJA RENE ANTONIO JR. REYES REYNALDO CABA SHERWIN MONDEJAR VILMA REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with