Jeepney swak sa bangin: 3 utas, 27 kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang 27 naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang mahulog ang pampasaherong jeepney sa may 20-metrong lalim na bangin sa Bulubunduking bahagi ng Barangay Magsaysay sa bayan ng Diffun, Quirino kamakalawa ng gabi.?

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Edwin Calubaquib, hepe ng Diffun PNP; kinilala ang mga namatay na sina Joan Tabelina, 8-buwang buntis; Linda Mabbay, at si Maria Belingon, 26, mga nakatira sa nasabing barangay.?

Naisugod naman sa Qui­rino Provincial Hospital sa bayan ng Cabarroguis ang 27 ibang pasahero kabilang ang dalawang sanggol at ang driver ng jeepney na si Samuel Timmada.?

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, gumuho ang gilid ng kalsada habang binabagtas ng pampasaherong jeepney (BBT 541) ang pababang bahagi at tuluyang nahulog patagilid sa bangin.?

Show comments