Sanggol namatay sa ambulance

CAMARINES NORTE, Philippines – Namatay ang 21-araw na gulang na sanggol makaraang sumalpok sa punongkahoy ang sinasakyang ambulansya sa Barangay Lugui, bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Sa ulat na nakarating sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., dadalhin sana sa Camarines Norte Provincial Hospital ang sanggol na si Nathan Marquez kasama sina Noel Marquez, Gerlie Gonzaga at ang midwife na si Glaiza Marie Valeros nang sumalpok ang ambulansya (SKY 737) sa punongkahoy sa gilid ng highway. Naipit ang sanggol sa loob ng ambulansya at sugatan naman ang apat na iba pa habang tumakas naman ang driver ng ambulansya na si Pedrito “Peter” Baratita ng Barangay Dalas.

Show comments