Coed ni-rape slay ng criminology student

STAR/File photo

MANILA, Philippines - Hinalay muna bago pinatay sa sakal ng 20-anyos na Criminology student ang 16-anyos na kolehiyala sa loob ng bahay sa Barangay Panale, Pagadian City sa Zamboanga del Sur noong Linggo ng gabi.

Bandang alas-7:40  ng umaga noong Sabado nang matagpuan ng kapatid na lalaki ang biktimang si Rechilyn Mallo sa loob ng silid ng dalagita sa nasabing barangay.

Ang biktimang estud­yante ng St. Columban College ay natagpuang walang saplot sa pang-ibabang bahagi ng katawan habang nakahiga sa kama.

Ilang residente ang na­­kakita sa suspek na nagma­madaling lumabas ng bahay ng biktima bago na­tagpuang patay ang dalagita.

Natukoy at nasakote naman ang suspek na si Olecher Gamal, estudyante naman sa Yllana Bay View College at nakatira sa Barangay Logmot sa bayan ng Tigbao.

Sa ulat ni P/Inspector Dahlan Samuddin na isinumite sa Camp Crame, inamin ng suspek na pinatay niya sa sakal ang biktima matapos na mairita sa pagpalag nito.

 

Show comments