Bus vs motorbike: 2 patay
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2015 - 10:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang kritikal naman ang 66-anyos na lolo sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa bayan ng Sto. Domingo, Ilocos Sur at bayan ng Sta. Maria, Isabela kamakalawa. ?

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Edgardo Medrano, hepe ng Sto. Domingo PNP, kinilala ang mga namatay na sina Ro­bert Molina, 26; at Jackson Quines, 22, mga basketball varsity team player sa ba­yan ng Masingal, Ilocos Sur.

Nabatid na nag-overtake ang motorsiklo ng dalawa sa sinusundang sasakyan kaya sumalpok sa kasalubong na pampasaherong bus na minamaneho ni Glen Burgos. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus.

Samantala, nagkabali-bali ang buto ni Marcos Canceran matapos mahagip ng pampasaherong GMW bus ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Naganacan sa bayan ng Sta. Maria, Isabela.

Ayon kay P/Senior Insp. Jeffrey Raposas, hepe ng Sta. Maria PNP, iniwan na lamang ng driver ng bus ang biktimang nasa kritikal na kalagayan.

ACIRC ANG BARANGAY NAGANACAN DOMINGO EDGARDO MEDRANO GLEN BURGOS ILOCOS SUR ISABELA JACKSON QUINES JEFFREY RAPOSAS SENIOR INSP TUGUEGARAO ILOCOS SUR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with