Opisyal ng call center inutas sa sementeryo
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2015 - 10:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang 35-anyos na human resource officer ng call center makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki sa loob ng semen­teryo sa Barangay La Paz, Iloilo City sa Iloilo kahapon.

Nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa likuran ang biktimang si Ricky Vintar ng Dumarao, Capiz subalit pansamantalang naninirahan sa Molo, Iloilo City at human resource officer sa call center.

Ayon kay PO3 Antonio Santanes, sinabi ng ilang residente na malapit sa nasabing lugar na may narinig silang humihingi ng tulong mula sa loob ng Jereos Cemetery.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na may hawak pa ng cell phone kung saan posibleng humihingi pa ito ng tulong, ayon sa pulisya habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ACIRC ANTONIO SANTANES AYON BARANGAY LA PAZ CAPIZ COTABATO (NORTH) DUMARAO ILOILO ILOILO CITY JEREOS CEMETERY MAAGANG RICKY VINTAR SOCCSKSARGEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with