Rapist ng 14-anyos, kalaboso

CAMARINES NORTE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 21-anyos na lalaki na sinasabing pangunahing suspek sa panghahalay sa 14-anyos na dalagita matapos itong masakote sa bahagi ng Barangay Daguit sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Jerris Tiamson ng Purok 2, Barangay Talobatid sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Nabatid na pauwi na ang biktima nang  harangin at kaladkarin ng suspek patungo sa madilim na bahagi ng nasabing barangay. Pinagbantaan ang biktima kaya wala itong nagawa sa kagustuhan ng suspek. Kaagad naman ipinaabot sa kanyang mga magulang ang naganap na insidente kaya nasakote ang suspek.

Show comments