Barangay chairman, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang depresyon ang isa sa motibo kaya nagpasalubong kay kamatayan ang 49-anyos na barangay chairman matapos itong magbigti sa kanyang bahay sa Barangay Pongayan, bayan ng Kapangan, Benguet kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Anderson Mauricio, hepe ng Kapangan PNP, nakipag-inuman muna sa ilang kaibigan ang biktimang si Chairman Dancy Pawil Agdawi bago umuwi. Bandang alas-4:30 ng hapon nang pasukin ng mga kaanak ang bahay ng biktima matapos itong hindi tumugon para kumain. Bumungad sa ilang kaanak ang katawan ng biktimang nakabitin sa kisame. Nabatid na nag-iisa sa bahay ang biktima matapos itong iwanan ng sariling pamilya sa hindi nabatid na dahilan.

Show comments