Lola nagpakamatay dahil sa rayuma

QUEZON, Philippines – Ipinasyang wakasan ng 63-anyos na lola ang kanyang buhay matapos itong magbigti dahil sa hindi na matiis ang sakit ng rayuma kamakalawa ng umaga sa Sitio Matinda, Barangay Ayuti sa bayan ng Lucban, Quezon. Ayon sa pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang biktimang si Fidela Cosejo ng mga kaanak na nakabitin sa palikuran ng kanyang bahay. Ayon sa anak ng biktima na si Sherina, idinadaing umano ng kanyang ina ang sakit na rayuma na naging dahilan upang ito ay maging malungkutin sa mga nakaraang araw. Hindi naman inakala ng mga kaanak na tatapusin ng biktima ang kanyang buhay na itinaong nag-iisa ito sa bahay.

Show comments