1 patay, 7 sugatan sa 10-nagkarambola

MANILA, Philippines – Patay ang motorcycle rider  habang pito naman ang su­gatang makaraang magkarambola ang sampung sasakyan  sa kahabaan ng highway sa Barangay Canduman, Mandaue City, Cebu kahapon ng umaga. Kinilala ang namatay na si Manolito Subang, driver ng motorsiklo na binangga ng rumaragasang van. Sa inisyal na ulat na isinumite sa Camp Crame, naitala ang insidente sa kahabaan ng Mc Briones Street bandang alas-9 ng umaga. Sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang van na nagmula pa sa bayan ng Consolacion kung saan ay tuluy-tuloy nitong sinalpok ang motorsiklo si Subang. Samantala, nadamay din sa insidente ang iba pang  sasakyan na aabot sa sampu kaya nagkabuhul-buhol ang trapiko dahil sa karambola. Kabilang sa mga sasakyang nagkarambola ay apat na motorsiklo, dalawang taxi, isang sports utility vehicle, isang mini-dump truck at ang pampasaherong jeepney.

Show comments