Tunnel gumuho: 2 minero todas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang minero ang nailibing ng buhay matapos gumuho ang nilusong na tunnel sa Sitio Ampucao, Barangay Ucab sa bayan ng Itogon, Benguet noong Biyernes ng hapon. Sa pahayag ni Regional Director Andrew Alex Uy ng Office of the Civil Defense, uma­bot sa 24-oras bago narekober ng search and rescue team ang mga bangkay nina Eddie Latigo, 50; at Jonas Isang, 24, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nabatid na pinasok ng dalawa ang tunnel na may 100 metrong lalim kahit na unti-unting bumabagsak ang mga bato at lupa sa loob ng minahan.? Namatay ang dalawa dahil sa kakula­ngan ng oxygen sa gumuhong tunnel na walang kaukulang safety gadgets at salat sa regulasyon sa kaligtasan ang mga minero sa nasabing minahan.

Show comments