4 NPA, 1 sundalo patay sa encounter

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) at isang sundalo ng Phil. Army ang napatay habang pito naman ang nasugatan sa naganap na madugong encounter ng militar at rebelde sa liblib na bahagi ng Brgy. Palobandera sa bayan ng Cawayan, Masbate kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang sundalo na napatay na si S/Sgt. Fernando Leynes Jr. habang naisugod naman sa Masbate Provincial Hospital ang mga sugatang sina Cpl. Rolly Razalo, Cpl. Ian Abonita, Cpl. Pedro Umdap, Rogelio Abelita, Joebert Badillo, Adam Fajardo, at si Gary Vista. Kasalukuyan naman bineberipika ang pagkakakilanlan ng mga rebeldeng napatay.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, pabalik na sa kampo ang tropa ng military at pangkat ng pulis-Masbate mula sa pagsisilbi ng search warrant sa Brgy. Tuburan nang makasagupa ang mga rebelde.

Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan bago napatay ang apat na rebelde at isang sundalo.

Show comments