Magkaibigan dinukot, pinatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Dalawang mangingisda ang dinukot at pinatay ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na paghinalaang sangkot sa serye ng nakawan sa Sitio Colorado, Brgy. Tigbao, Aroroy, Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Donel Arizobal, 29, may-asawa, at Roland Tupaz alyas Pisyong, pawang residente sa lugar.

Nabatid na dakong alas-5:30 ng umaga habang nasa loob ng kani-kanilang mga bahay nang sila ay dukutin ng may 20 armadong rebelde. Agad silang itinali at dinala sa isang liblib na lugar at saka niratrat ng mga suspek. Nag-iwan pa ng sulat sa ibabaw ng mga bangkay ang mga suspek kung bakit sila hinatulan ng kamatayan.

Show comments