Mag-ama niratrat ng anak ng konsehal, patay

STAR/File photo

CAVITE, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-ama matapos itong pagbabarilin ng anak ng konsehal sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bagtas sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mag-ama na sina Jay Casonete, 43, welder; at  Jessie Casonete, 22, kapwa nakatira sa Ca­rissa Homes Subdivision sa nabanggit na barangay.

Pinaghahanap naman ang sinasabing suspek na si alyas “Bonjing” ng Barangay Bagtas at anak ng opisyal ng barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, pinasok ng suspek ang bahay ng mag-amang natutulog saka niratrat.

Gayon pa man, habang isinusugod sa ospital ang mag-ama ay nasambit ni Jessie ang pangalan ng suspek na bumaril sa kanila.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ang cal. 45 pistol at M16 Armalite rifle.

Show comments