Espiya ng military, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 35-anyos na magsasaka na sinasabing espiya ng militar matapos itong ratratin ng mga New People’s Army sa kanyang bahay sa liblib na kagubatan ng Sitio San Isidro sa Barangay Disulap, bayan ng San Mariano, Isabela noong Sabado ng hapon. ?Sa ulat ni P/Senior Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano PNP si Efren Bacdayan ay ikalawa na sa magsasakang pinatay ng mga rebelde kung saan niratrat din si Edmundo Aquailar sa bahagi ng Barangay Binatug noong Hunyo. May teorya ang pulisya na pinaghinalaan ng mga rebelde na espiya ng militar si Bacdayan kaya pinatahimik.

Show comments