Ama inutas sa harap ng anak

MANILA, Philippines - Napatay ang 37-anyos na mister matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng kaniyang anak sa Barangay Culo, bayan ng Molave, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Wilson Lahos ng Purok Paglaum sa Barangay Mabuhay. Sa ulat ni P/Inspector Gabriel Maglangit na isinumite sa Camp Crame, nagmamaneho ng sasakyan ang biktima kasama ang anak na lalaki at ang pahinanteng si Roland Laguitao nang harangin ng riding-in-tandem gunmen. Gayon pa man, kinompronta ng biktima ang dalawang suspek kaya siya pinagbabaril sa ulo kung saan tumilamsik pa ang dugo sa kaniyang anak habang patuloy naman ang pagsisiyasat. Joy Cantos

Show comments