_ngayon
^

Mag-utol na matanda kinatay sa bahay

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2015 - 10:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng magkapatid na matanda matapos itong pagsasaksakin ng anak ng isa sa matanda sa kanilang bahay sa Barangay Pawa, Tabaco City, Albay kamakalawa.

Halos naagnas na ang mga biktimang sina Anacita Borado, 74; at Ledorica Gomez, 70, kapwa biyuda at nakatira sa nasabing barangay.

Isinailalim na sa imbes­tigasyon ang suspek na anak ni Anacita na si Joan Borado na sinasabing wala sa katinuan ang pag–iisip.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Marlo Meneses, Albay PNP director, nadiskubre ang mga bangkay ng mag-utol matapos makalanghap ng masangsang na amoy ang mga kapitbahay.

Kaagad namang hu­mingi ng tulong ang mga residente kaya natagpuan ang duguang katawan ng mag-utol na matanda kung saan nakaupo pa ang suspek sa gilid ng bangkay ng kanyang nanay.

Hindi naman naniwala ang mga imbestigador ng pulisya sa salaysay ni Joan na pinasok sila ng mga di-kilalang lalaki dahil may bahid ng dugo ang mga kamay ng suspek kung saan ang ginamit sa krimen ay nasa gilid nito.

ACIRC ALBAY ANACITA BORADO ANG BARANGAY PAWA JOAN BORADO LEDORICA GOMEZ MARLO MENESES MGA SENIOR SUPT TABACO CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with