Misis kumalas sa ka-live-in, binoga

MANILA, Philippines - Dahil sa pakikipaghiwalay ay binoga at nasugatan ang 38-anyos na misis ng kanyang ka-live-in matapos ang mainitang pagtatalo sa Barangay Sicayab, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Zamboanga del Norte Medical Center  ang biktimang si Roslyn Mongcupa habang pinaghahanap naman ng pulisya ang 36-anyos na suspek na si Nacais Miyang. Sa ulat ni P/Inspector Dahlan Samuddin na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa bahay  ng magka-live-in sa Sitio San Roque dakong alas-8 ng gabi. Nauwi sa pamamaril ang nasabing insidente kung saan narekober  naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments