Sarhento niratrat utas

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 43 anyos na sarhento ng Philippine Army na kumander ng lokal na CAFGU ang pinabulagta habang kritikal naman ang isa nitong  tauhan ma­tapos silang ratratin ng bala habang nakikipag inuman sa kapis­tahan ng liblib na Brgy. sa San Jose, San Mariano, Isabela kamakalawa.

Ayon kay Sr. Insp. Bonifacio Gannaban,  hepe ng San Mariano Police; dead-on-the-spot si Sgt. Roy Gapay na Patrol Base Commander ng Army 77th Civilian Auxilary Armed Forces sa lugar.?

Nakikipagbuno naman kay kamatayan ang kasama ng biktimang si Bobbit Dela Torre. Hindi naman natukoy ng mga saksi ang  mga armadong suspek sa pamamaslang na naganap dakong 3:40 na ng madaling araw.

Kasalukuyan pa ring sinisiyasat ng pulisya ang nangyaring krimen.

Show comments