14-anyos apo sinilaban ng lola

CAVITE, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 14-an­yos na dalagita matapos itong buhusan ng gaas at silaban ng kanyang lola dahil sa matin­ding pagta­talo kamakalawa sa Barangay Zone 1, Dasmariñas, City, Cavite.

Nasa UMC Hospital ang biktimang high school student na si Dissiree Francisco habang nasakote naman ang suspek na si Divina “Lola Vinay” Formes, 63, fishball vendor, at kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Ayon kay P01 Ellaine Magsino, papauwi na ang mag-lola mula sa pagtitinda ng fishball ng sumiklab ang pagtatalo kaugnay sa inilalakong paninda.

Nagalit naman ang ma­tanda sa tinuran ng kan­yang apo na itigil ang pagtitinda da­hil sa kawalan ng pambili ng fishball.

Gayon pa man, nagka­sa­gutan ang maglola at sa galit ng matanda ay binuhusan nito ng gaas ang kanyang apo saka sinindihan.

Magsisigaw naman ng biktima habang nagliliyab ang buong katawan kung saan na­apula naman ng ilang residente saka isinugod sa ospital habang nasakote naman ang matanda.

Show comments